LifestyleNewsTechnology

Namimigay ba ng Isang Dosenang Donuts ang Dunkin’ Donuts sa Facebook?

Wala nang sasarap pa sa libreng pagkain. Kaya lang, okay lang ba na magmukhang uto-uto para lang sa inaakalang libreng tsibug?

Kapag nakakita ka ng isang coupon sa Facebook, ang unang dapat mong isipin ay “Scam kaya ito.”

Bumalik na naman ngayon ang offer sa Facebook at unti-unti na namang kumakalat ang pamimigay diumano ng dunkin donuts ng libreng one dozen donuts. Wow! Pero bago mo pindutin habang binubulong sa sarili “Wala namang mawawala!” pwede bang busisiin mo munang mabuti?

Kung sa Facebook ito lumalaganap, unang una mo dapat inisip: “Sa Official page ba ito ng Dunkin Donuts unang naipost?”

Pangalawa, bago mo bigyang pahintulot ang isang di kilalang website i-access ang Facebook account mo isipin mo: “Kaya ko bang isugal ang access ng aking account para lamang sa tsansa na magkaroon ng isang dosenang donuts?”

Pangatlo, tingnan mabuti ang link na pupuntahan: ang tunay na website ng Dunkin’ Donuts ay dunkindonuts.com. Hindi ganito:

Ang ganitong panlilinlang ay hindi lamang ginagawa para makakuha ng impormasyon na tulad ng mga Facebook quiz apps (wittybunny etc), minsan ay ginagawa din ito ng mga pekeng page para makakuha ng likes.

Mga libreng pabahay ni Willie, ni Pacman, na shinare ng mga pekeng accounts nina Angel Locsin, Arci Munoz at iba’t ibang fansites para malinlang ang mapaniwalain sa lahat ng nababasa nila sa Facebook.

Bago ka magshare ng ganito, isipin mo ulit: “Magmumukha ba akong katawa-tawa sa ibang tao pag nagshare ako ng scam sa Facebook?” Tandaan, dala mo ang kahihiyan ng buo mong angkan at mga kaibigan.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *