Featured PostsScience

Tinatamad sa Trabaho? Mukhang Heto Lang Ang Kulang Sa Buhay Mo…

Malaking bagay ang naitutulong ng sex sa pagiging masaya at inspirado ang isang tao sa kanyang trabaho, ayon sa pag-aaral. 

Mga siyentipiko na ang nagsabi na ang pagkakaroon ng sex ay tumutulong pagandahin ang iyong kalooban hanggang sa susunod na araw. At tuwing mas masaya ka, mas nagiging produktibo ka din sa iyong trabaho at sa gayon, ay mas uunlad. Sa ngayon, mayroon ng maraming ebidensya na ang paggawa ng kaunting mahalay na gawain ay nakatutulong sa trabaho.

Kumuha ang mga mananaliksik ng 159 na kasal na tao upang kumuha ng isang pagsusuri. Ang pagsusuring ito ay kinukuha dalawang beses sa isang araw sa ganap ng dalawang linggo, upang malaman ang kanilang mga kondisyon. Itong pagsusuri ay nailathala sa Journal of Management.

Ayon dito, gumanda ang pakiramdam ng mga nagsex at ang positibong kondisyon na ito ay tumagal ng 24 na oras. Dahil dito, tumaas ang kaluguran sa trabaho. Kahit nung tinigilan ito, tumagal parin ang positibong epekto na nadala ng sex.

Kaya ang pagdadala ng sex sa trabaho ay nakatutulong upang tumaas ang iyong produktibo. Ngunit ang pagdadala ng trabaho sa sex ay hindi. Ang mga taong hindi kayang iwanan ang kanilang trabaho pagkatapos ng araw ay nagkakaroon ng mas malalang buhay sex. Ayon sa pananaliksik, nakabababa ng kondisyon ang palaging pagkuha ng mga emails galing sa trabaho kapag nasa bahay na.  

Mahalagang magkaroon ng mabuting kalusugang pangkaisipan upang maging isang produktibong empleyado. Para sa nakararami, ang pagkakaroon ng sex life ay nakatutulong dito.

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *