Featured PostsLifestyle

Juskolord Biyernes na! (Thank God It’s Friday!)

Para sa mga estudyante at empleyado, mapapa-TGIF ka talaga o Thank God It’s Friday dahil ito ang huling araw ng pagpasok sa eskuwelahan o opisina. Kung marami kang ginawa buong linggo, talagang ipagpapasalamat mo ang araw ng Biyernes dahil kasunod nito ang Sabado at Linggo. Rest days, ika nga. Pahinga at walang pasok. Pero sa ibang tao na nagnanais na maging kakaiba o mas kapaki-pakinabang ang kanilang weekend, sa halip na simpleng pamamahinga at pagiging “team bahay” lang, ano nga ba ang ating pwedeng gawin?

1. Pamamasyal
Dahil halos buong araw natin mula Lunes-Biyernes ay ginugugol natin sa eskuwelahan o opisina, halos wala na tayong natitirang oras para mamasyal pa. Kaya naman kapag Sabado o Linggo, hindi naman masama na pumasyal tayo para makapagrelax at mag-enjoy. Hindi naman kinakailangang gumastos ng malaki para makapamasyal. Pwedeng simpleng pagtambay lang sa mall, palamig lang lalo na ngayong summer na mainit ang panahon. Maglakad lakad lang sa mall habang nagwiwindow shopping. Kung wala namang problema sa budget, maaaring manood ng sine kasama ang kaibigan o kapamilya. Maaari ding pumasyal sa park o amusement park o kung hilig mo ang adventure, baka gusto mong maghiking, magbeach o iba pang mga outdoor activities kasama ang mga mahal mo sa buhay.

2. Pagbisita sa Kapamilya o Kaibigan
Kung matagal mo ng hindi nakakasama ang iyong pamilya dahil sa malayong lugar ka nagtatrabaho o di naman kaya ay nangungupahan ka ng tirahan malapit sa iyong eskuwelahan, sa halip na magpahinga ka lang sa iyong bahay o boarding house, bakit hindi mo na lang dalawin ang iyong pamilya o kaibigan? Siguradong mapapasaya mo sila at hindi ba at mas masayang magpahinga kasama ang mga mahal mo sa buhay? Kung may budget ka, maaari mo silang dalhan ng pasalubong pagbisita mo sa kanila.

3. Weekend Jobs
Sa buhay ngayon kailangang maging madiskarte tayo para matustusan natin an gating mga pangangailangan. Humanap ng mga trabaho na pang weekend lang gaya ng pagiging encoder, administrative assistant at iba pang naaayon sa iyong kakayanan. Hindi man kalakihan ang sahod dahil sa 2 araw lamang ito sa isang linggo, malaking tulong na rin ito sa pang-araw araw na gastusin at ipon mo.

4. Mag-organize ng Outreach Program o Charity Works
Gawing kapaki-pakinabang ang weekend sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang tao lalo na sa mga nangangailangan. Mag-organize ng isang outreach program o charity works kasama ang iba pang kakilala o kaibigan. Maaaring tumulong sa mga batang nasa lansanggan, maglinis ng kapaligiran, magturo sa mga bata, magtanim ng mga puno, o di kaya ay bumisita sa mga bahay-ampunan o institusyon para sa mga matatanda. Hindi ba at mas masaya sa pakiramdam na alam mong nakatulong ka at nakapagpasaya ka ng ibang tao?


5. Makilahok sa mga Fun Run o Run for a Cause
AKtibo ka ba sa mga pisikal na gawain gaya ng pagtakbo? Baka gusto mong makilahok sa mga Fun Run o di kaya ay Run for a Cause sa iyong weekend? Nakakapagod pero masaya din na nakatulong ka sa iba sa pamamagitan lamang ng iyong pagtakbo. Nakakatulong din ito sa iyo upang mapalakas ang iyong katawan at kaisipan.

6. Magsimba
Gaano man tayo ka-okupado sa buong linggo, sana ang pagsisimba ang isa sa hindi natin makalimutan gawin. Sa 24 oras kada araw at 7 araw kada linggo, isang oras lamang ang hinihingi sa atin ng Diyos para ilaan natin sa kanya sa pamamagitan ng pagsisimba. Magpasalamat tayo sa lahat ng biyaya na natatanggap natin at ihingi ng tawad ang lahat ng hindi magagandang bagay na nagawa natin.

Ikaw kaibigan, anong plano mo ngayong weekend?

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *