EntertainmentFeatured Posts

Si Phantegrow, Ang Tinaguriang Selena Gomez ng Sabah Malaysia

August 2016 nang mag-viral ang post ni Erdavie Dell Vie sa kanyang facebook account tungkol sa isang dalaga na kamukha ng pop star na si Selena Gomez. Maraming netizens ang nakapansin nito at umabot agad ito ng libong shares.

Si Phantegrow Louiselle Leo Estrop, mas kilala sa kanyang palayaw na Phan, ang Selena Gomez look-a-like ng Sabah Malaysia.
Dahil sa biglaang pagsikat ng labing-walong taong gulang na dalaga ,nagkaroon agad ito ng 31,000  followers sa kanyang instagram account.

Marami din mga kumpanya ang kumuha kay Phan para maging fashion and beauty products model. Di naglaon, nakita rin si Phan sa telebisyon.
Sa kauna-uhang pagkakataon ay magkakaron si Phan  ng isang pelikula at gaganap siya dito bilang isa sa major role. Ang pelikula, Sumpahan Kinabalu, ay mula sa produksyon ng New Line Film Sdn Bnd at kasalakuyan itong nasa shooting ngayon.

Ibinagi ni Phan sa instagram account ang kanyang experience sa pagiging bagong celebrity.
Ayon sa dalaga: “Acting was never easy from the beginning, I’ve been up and down so many times till I lost count of it , there’s just so many mix emotions happen on my journey throughout the shooting for this film”

“I just have to try my best and never give up, because in my mindset I’m doing this for Sabah.”

Sa interview ng Straits Times, sinabi ni Phan sa kabilang ng kanyang biglaan pagsikat pinapanatili  parin  niya ang kanyang pagiging magpakumbaba.
At nang tinanong ang dalaga patungkol sa mga nagsasabing magkamukha sila ni Selena Gomez  ito ang naging sagot niya, “I would be lying if I said that being likened to Selena does not make me happy or proud. I consider it an honour, but I do not want to let that get to my head.”

“At the end of the day, I am still me, not Selena,” aniya.

Ayon pa sa dalaga, kahit ang dami niyang pinagkakabalahan ngayon mas focused pa din siya sa kanyang pagtatapos sa pag aaral.

Facebook Comments