Featured PostsLifestyle

Paano Maging Cool Ngayong Summer?

Summer na naman! Marami sa atin ang nakakaranas ng sobrang init ngayon, at dahil hindi ito maganda sa ating pakiramdam naghahanap tayo ng paraan para maibsan ang init sa ating katawan. Narito ang ilan sa mga pwede nating gawin upang mabawasan ang init:

1. Pagligo
Ang pagbababad sa tubig o pagligo ay subok na nakakaalis ng init sa katawan kaya naman maligo ng 2 o 3 beses sa isang araw para mabawasan ang init na nararamdaman.

2. DIY aircon
Sa sobrang init, minsan hindi sapat ang pamaymay o electric fan lang. Pero paano kung wala sa budget ang pagbili ng aircon? Huwag mabahala, pwedeng gumawa ng DIY aircon. Narito kung paano:
a. Maglagay ng yelo sa isang lalagyan (Mayroong iba na gumagamit ng asin para mas maging “mabagal”  ang pagkatunaw ng yelo.)
b. Itapat ang yelo sa electric fan.
c. Boom! May DIY air conditioner ka na. Simple lang, pero malaking tulong sa pagbawas ng init sa paligid.

3. Uminom ng mas maraming tubig
Dahil mas madalas tayong magpawis dulot ng sobrang init, posible tayong madehydrate ngayong tag-init o di kaya ay ma-heat stroke. Para maiwasan ito, palagiing uminom ng tubig at iba pang mga inumin gaya ng mga fruit juices. Huwag kalimutang magdala ng tubig kahit saan magpunta.

4. Kumain ng halo-halo, ice cream o iba pang uri ng pampalamig
Isa rin ito sa patok na pantanggal init, ang pagkain ng malalamig gaya ng halo-halo at ice cream. Naibsan na ang init mo, sumaya ka pa dahil nakakain ka ng matamis.

5. Pagtambay sa mall o malalamig na lugar
Walang airon? Walang problema, libre ang aircon sa mall kaya pwedeng pwede kang tumambay doon para magpalamig. Libre na, nakapagwindow shopping ka pa. Pero kung malayo ang mall at sobrang init din sa daan ang iyong kakakaharapin para makarating lang ng mall, sa bahay ka na lang at mag DIY aircon.

6. Magsuot ng preskong damit
Sa ganitong mainit na panahon, iwasan magsuot ng makakapal at mahahabang damit. Magsuot na lamang ng sando o maluluwang na damit para mas maging presko sa pakiramdam.

Nakakainit man ng ulo ang init ng panahon, subukan natin itong mga tips na ito upang manatili pa ring “cool” ngayong summer.

Ikaw, may iba ka pa bang tips na naiisip? I-share na yan dito!

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *