Featured PostsScience

Nadedepress ka ba? Sabi ng Experts, Mag-Yogurt !

Ayon sa isang bagong pag-aaral ang probiotic bacteria na kilala bilang Lactobacillus na matatagpuan sa live-cultured yogurt ay maaaring makagamot sa depresyon. Sinubukan ito sa mga daga, at naniniwala ang mga mananaliksik na maaari din itong gawin sa mga tao.

Ang pag-aaral ay nakalathala sa pahayagang Scientific Reports. Ito ay pinangunahan ng mga mananaliksik mula sa University of Virginia School of Medicine, ayon sa Medical News Today.

Si Alban Gaultier, isang PhD ng Center for Brain Immunology and Glia sa Virginia, ay nagsabi na ang malaking pag-asa para sa pagkatuklas ng mga ito ay hindi na nila kailangang mag-abala pa sa mga mas kumplikadong mga gamot at sa mga hindi kanais nais na epekto nito at sa halip sila ay maaaring mag-eksperimyento lamang sa mga microbiome.

“Para lamang itong isang hiwaga na kapag nagbago ka ng iyong mga pagkain, gayundin ang mga nakukuha mong bakterya, ay magiging maayos ang iyong kalusugan at ang iyong pakiramdam,” sabi ni Dr.¬†Gaultier.

Sa pag-aaral, siniyasat ng mga mananaliksik ang mga bahagi ng gut microbiome bago at pagkatapos mawalan ng lakas ang mga daga dahil sa pagkawala ng Lactobacillus. Ito ay humantong sa mga sintomas ng depresyon. Pinakain ng mga mananaliksik ang mga daga ng Lactobacillus, at ang mga ito ay nagbalik sa kanilang normal na estado. Sinabi ni Dr. Gaultier na ang isang patak ng Lactobacillus ay maaaring maka-impluwensya sa pakiramdam.

Ang grupo din ang nakatuklas na ang halaga ng Lactobacillus sa gut ay nakakaapekto sa taas ng isang metabolite sa dugo na kilala bilang kynurenine na nakakaapekto sa depresyon. Ang pagkawala ng Lactobacillus sa gat ay maaaring makaapekto upang tumaas ang mga sintomas ng depresyon, ayon sa Genetic Engineering at Biotechnology News.

Si Iona Marin, isa sa may-akda ng pag-aaral mula sa Center for Brain Immunology and Glia, ay nagsabi na ito ang pinaka-pareho sa mga pagbabagong nakita nila sa iba’t ibang mga eksperimento at iba’t ibang mga kapaligiran na tinatawag nilang microbiome profile. Sinabi din niya na nakita nila na ang mga antas ng Lactobacillus ay direktang nauugnay sa pag-uugali ng mga daga.

Magsagawa pa rin ang mga mananaliksik ng mga pag-aaral upang kumpirmahin itong kanilang natuklasan. Sa kabilang dako, sinabi nila na walang pinsala kung isasama ng mga pasyente ang yogurt, kung saan ito ay ginawa sa pamamagitan ng bakteryal na pagbuburo ng gatas, sa kanilang pagkain. Sinabi rin nila na ang mga pasyente ay hindi dapat itigil ang kanilang mga gamot.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *