Featured PostsNews

Open-minded ka ba sa Business? At sa Konting Yabang at Harrassment?

Malamang narinig mo na ang mga linyang ito:

“Friend, open-minded ka ba sa business?”

Na kapag kumagat ka at nagbigay ng kahinaan, bubugso ang sunod-sunod na litanya kung paano ka nila iaahon sa kahirapan sa napakadaling paraan. Hindi mo na kailangang magpakahirap sa kakatrabaho!

S’yempre, hindi mawawala ang mga larawan sa tabi ng kotse na hindi naman kanila, at pamaypay na pera na hiniram sa mga mas nakakataas sa kanila.

Kung mamalas-malas ka, may matatapat pa sa yo na hindi lang masigasig, ngunit tila nanguna sa parada noong nagsabog ang langit ng kayabangan.

Isang halimbawa ay ang pinost ni Ma.Kristina Metran tungkol sa karansan ng kanyang kapatid sa kaibigan nitong si Echo Gonowon, isang networking dealer na sa sobrang pangangailangang maka-recruit ay hinamak ang kanyang sariling kaibigan.

Kay saklap na hanapbuhay ano po?

 

Ang dapat sana ay usapang “business” ay nauwi sa pang-iinsulto ng huli.

So sobrang inis ay pinost niya sa Fb ang naging usapan ng magkaibigan kung saan nagsimula ito sa karaniwang kumustahan at nauwi sa nakaka-offend na patutsada nitong si Echo.

 

Malinaw na magkaiba ang dalawa ng pananaw sa buhay. Habang itong si Echo ay puro pagmamayabang sa kung anumang materyal na bagay meron siya tulad ng nabanggit niyang kabibili lang niyang bahay na nagkakahalagang 1.5 milyon ay mapagpakumbaba namang sinasabi ng kaibigan na habang siya naman ay masaya kung anong meron siya at sa kasalukuyan nga ay pinagyayaman pa niya ang pagiging artist niya.

Iba’t iba ang naging reactions ng mga netizens subalit karamihan dito ay ang pagkayamot sa mga naging pahayag nitong si Echo.

Um-echo ang kanyang kayabangan at narinig ito ng buong social media. Sa kasalukuyan umaani ang post ng 4.8 libong likes and 6.2 libong shares.

 

Ang kanyang pagiging networker din ang nagbigay sa kanya ng sapat na kaalaman sa buhay na naglagay sa isip nya na siya lamang ang tama.

 

Mabuti na lamang na ang nakahanap sya ng katapat na hindi nag-atubiling ipalaganap ang umaalingasaw na kayabangang ito.

Pero tulad ng isang kakaibang horror story, may sequel pa ang kaganapang ito:

Sana’y matutunan n’ya rin ang tamang pagspell ng “loser” pagyaman nya.

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *