Featured PostsNews

Mga Richkids ng Vietnam Ginawang Laruan ang iPhones

Kumakalat ang video na nagpapakita ng mga kabataang mula sa Vietnam na pinagsisipa at tila naglalaro ng football gamit ang kanilang mga iPhones.

Dahil na rin sa mataas na presyo at sa  maraming features , ang  iPhone ay naging status symbol na sa ating lipunan kaya marami ang naghahangad at nagpapahalaga sa gadget na ito. Subalit mukhang hindi ganito ang kanyang naging dating sa ilang kabataang mula sa Vietnam.

Sa isang viral video ay makikita natin ang ilang Vietnamese teenagers na pasipa- sipa at parang mga football players. Pero hindi bola ang kanilang gamit kundi ang mamahalin nilang mga cellphones. Ang layunin ng larong kanilang sinimulan ay tamaan ang itim na phone gamit ang mga puting units na dito’y nakapaligid.

Ang mismong nag-record ng video ay maririnig na nagsasalita sa wikang Mandarin at may pahiwatig ng pagkadismaya dahil ang  laro ng mga kabataang ito  ay malinaw na pagbabale – wala  sa perang ginastos ng kanilang mga magulang.

Ilan pa sa mga pamba-bash mula sa mga netizens ay ang di magandang ugali na kanilang ipinakita dahil sa  kawalan ng pagpapahalaga sa hirap at pagod ng mga nagbigay ng pambili ng kanilang iPhones.

Alam naman natin na mayaman man o mahirap ang ating mga  magulang , kung ano man ang ating hilingin ay talagang pagsisikapan nila,  hangga’t kakayanin,  para maibigay ito sa  atin.  Kaya marami ang nalungkot sa ganitong gawain.

May isa pang naging komento na kung naging anak lang niya ang mga teen-agers na ito mula sa Vietnam, malamang ay itinulak na niya sa ledge na  malapit sa kanilang kinatatayuan.

Ang pagshe-share ng  video ay hinikayat ng mga viewers upang maparusahan ang mga sangkot at malagay sila sa kahihiyan.

Pangongontra naman ng ilan ay baka pera mismo ng mga kabataang ito ang ipinambili nila ng kanilang iPhones. Pero marami ang nagduda . Kung sabagay , kung sila nga mismo ang naghirap upang mabili ang ganitong kamahal na telepono, malamang ay hindi ganito ang kanilang magiging pagtrato sa mga ito.

Ang video ay kinunan sa Cambodia at nagkaroon na ng 4,500 shares sa loob ng tatlong araw pa lamang.

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *