Featured PostsLifestyle

Sobrang Likot at Patakbo-takbo, Nababaliw na ba ang Aso mo?

Kalimitan mo bang nakikitang pataluntalon ang aso mo sa sofa at magtatatakbo paikot ikot sa loob ng bahay? Di kailangan mabahala dahil normal lamang ito ayon sa mga beterinaryo. Ito ang tinatawag nila na ‘Zoomies’ o FRAPs (Frenetic Random Action Periods).

Kung mapapansin niyo na nagzozoomis siya sa parehas na oras araw-araw, iyon ang mabuting paglabas ng energy niya. Minsan ay kinakailangan talaga ng aso na pakawalan ito at sa pamamagitan ng pagtakbo at paglalaro.

 

Kung sakali man na nasanay ka na sa kakulitan ng aso mo, hindi ka naman naming masisisi. Iminumungkahi ng mga beterinaryo na gumawa ng plano para sa FRAP time ng iyong aso. Gawan ito ng routine . Malalaman mo naman kung magsisimula na itong makipagkulitan kapang nakita mo nang iwinawagayway na niya ang kanyang buntot. Malamang kapag napansin mo naman ito ay maiiwasan ang mga pagkasira ng gamit sa loob ng iyong bahay.

Paano macontrol ang FRAP? Para sa mga tuta, subukan mong gawan ng maliit na kulungan para sa kanilang ‘short timeout’ kapag nagsisimula na silang mag-Zoomies. Isa pang paraan para magpakalma ng aso ay ang pagpindot o paghilot ng kanilang mga balikat.

Nawawala naman ang FRAP habang tumatanda ang aso. Pero sabi nga nila, like owner, like dog. Malay mo, parehas lang talaga kayong, batang isip at young at heart.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *