Featured PostsNews

Dalawang Babae Nagpambuno Dahil sa Mascara




Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa paborito mong limited edition Mascara?

Heto lang nung nakaraang araw, sa isang cosmetic store nakuhanan ng video ang dalawang babae na nagtatalo habang nag aagawan ng isang Mascara.

Magaganda, naka porma at desenteng naka bihis ang mga babae. Sa unang tingin, hindi mo aakalain na hahantong sa mainit na pag tatalo ang simpleng pagsa-shopping nila.

Makikita sa video ang dalawang babae na animo’y nag-uusap lang ngunit sa kalaunan tumaas na ang kanilang mga boses hanggang sa gumawa na sila nang eksena.

Makikitang nag de-demand ang babaeng naka puti na ibigay sa kanya ang Mascara ngunit tumanggi ang kausap dahil limited edition ito. Doon nag simulang uminit ang usapan.

“Gusto ko ‘to, palaging eto binibili ko, eto palagi kung ginagamit…”, wika ng isang babae.

“Wala akong paki-alam kung gusto mo man yan o hindi…” sagot ng isa sabay hablot nang nasabing Mascara.

Na hinto ang video nang malapit nang mapag-abot kamay ang dalawa. Kaya’t medyo mabibitin ka sa kung ano ang posibleng nangyari. Nagpang-abot kamay nga ba sila?

Ang video ay nanggaling sa isang mamimili din sa cosmetic store na naka saksi nang pangyayari at in-upload ito sa social media na mabilis namang kumalat. Habang patuloy na kumkalat ang video, magkakaibang haka-haka naman ang nabubuo sa mga viewers nito.

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *