Featured PostsLifestyle

Ang Mag-asawa na Laging Terno Hanggang Tumanda na

Siguradong marami ang maiinggit sa mag-asawang sina Bon at Pon dahil sa kanilang pag-relasyong pumoporeber. Nasa 60 taon na sila parehas at mahigit 30 taon na silang mag-asawa, at pansin ba ninyong magkatunog din ang kanilang mga pangalan?

Hindi lamang ito ang nakakaaliw sa mag-asawang ito. Kamakailan lamang ay nagviral ang mag-asawang ito dahil sa kanilang suot na damit na halos magkapareho o “matchy-matchy” ika nga. Nagsimula ang pagpapareho nila ng kanilang damit noong napansin nilang pareho ng maputi ang kanilang mga buhok!

A post shared by bon_pon (@bonpon511) on

“Dahil pareho naman ng namumuti ang aming mga buhok, naisip namin na nakakatuwa kung magkapareho din ang aming fashion styles, kaya naman nagsimula kaming magsuot ng mga damit na may parehong disenyo at kulay” sabi ni Mrs. Pon.

Nagkaroon din ang bagong Instagram account ang mag-asawa, ang bonpon511, noong Disyembre ng nakaraang taon, ayon na rin sa suhestiyon ng kanilang anak na magkaroon sila ng joint account. Dito na nga nila naibahagi ang ilan sa mga viral na larawan nilang mag-asawa na magkapareho ang kanilang damit.

Ngunit kahit na matagal na silang mag-asawa, halos bago lang din ang pagpapareho nila ng kanilang mga damit.

“Noong bata pa ako, parang nahihiya ako sa pagpapapareho ng mga istilo ng damit, ngunit sa ganitong edad ba naman mahihiya pa ba ako?” sabi ni Mrs. Pon

Wala naman talaga silang istriktong kasunduan pagdating sa pagpapareho ng damit, maliban lang sa ilang koordinasyon. Lahat ay naaayon lamang din sa kung anong gusto nilang suotin sa partikular na araw, pero gusto nila ang monotone na kulay, asul at pula kaya naman pinagdedesisyunan nila pareho ang kulay na pareho nilang gusto. Sinabi ni Bon sa BBC na mas gusto nilang magpareho ng damit tuwing holiday. Kahit ang kanilang mga anak ay hindi tutol sa gawain nilang ito, bagkus ay sinusuportahan pa nga sila ng mga ito at nagreregalo pa ng pang-match sa kanilang kasuotan.

Talaga namang nakakaaliw ang kanilang mga larawan sa kanilang Instagram account kaya naman hindi kataka-takang nagviral ang mag-asawang ito! Kaya kahit na kakasimula lang nila ng kanilang account, nasa 89,000 na kaagad ang followers nila.

A post shared by bon_pon (@bonpon511) on

Naitanong din sa kanila kung ano bang sekreto nila sa kanilang pagsasama, nasabi ni Mrs. Pon na ito ay dahil sa busy schedule ng kanyang asawa.

“Si Bon ay masipag magtrabaho, umaalis siya ng maaga sa bahay at bumabalik lang ng madaling-araw na. 37 na taon na kaming mag-asawa pero pakiramdam ko parang 1/3 lang noon ang pinagsama talaga naming dalawa.” sabi ni Mrs. Pon

Masaya ang kanilang mga fans na malapit ng magretiro ang nasabing mag-asawa kaya naman mas magkakaroon na sila ng oras para sa isa-t isa.

“Plano na naming magretiro sa Marso, kaya masaya ako na sa wakas magkakaroon na din kami ng oras sa isa’t-isa. Gusto kong sulitin ang mga oras na nawala sa amin at maging masaya habang nabubuhay pa kaming dalawa.” sabi ni Mrs. Pon

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *