Featured PostsLifestyle

Limang Mabisang Gamot Sa Nanlalamig na Boyfriend

Minsan, maaring nararamdaman mo na ang boyfriend mo ay tila medyo nanlalamig. Siguro, hindi na siya tulad ng dati na malambing sa iyo. Maari ding hindi na siya kasingbilis sumagot ng iyong mga tawag, mga texts, o mga mensahe sa Facebook.

Maari ding nasabihan ka niya na gusto niya muna ng distansya sa inyong dalawa. Ouch.

Maaring tinatanong mo ang sarili mo ngayon. May nagawa ka bang masama sa kanya? May nasabi ka bang mali? May nabigay ka bang hindi niya nagustuhan? Nakalimutan mo ba siyang batiin at kumustahin araw-araw? Paano mo mapapalapit ulit ang iyong kasintahan?

Ano man ang rason, ito ang mga simpleng bagay na pwede mong gawin sa sitwasyon na ito:

Ibigay mo sa kanya lahat ng distansya na gusto niya. Minsan, gusto lamang niyang mapag-isa. Ibigay mo sa kanya ang distansyang gusto niya ngayon at babalik din siya sa normal pagkatapos ng ilang araw.

Huwag kang magpakita ng galit. Huwag mong idiin na kailangan niyang tigilan ang kanyang ginagawa dahil baka maistress lang siya. Antayin mo lang siya at kahit anong mangyari, subukan mong maging maunawain sa kanya.

Lambingin mo siya. Hindi mo naman kailangan maging sobra-sobrang lambing sa kanya, ngunit ipakita mo parin na kahit anong desisyon at kahit anong nararamdaman niya ngayon, lagi kang nandito para sa kanya.

Ipakita mo sa kanya na malaki ang tiwala mo sa kanya. Huwag mo siyang unahan sa kanyang mga nararamdaman o sa kanyang mga gagawin. Sa halip na ayusin moa ng kanyang problema, ipakita mo na alam mong kaya niyang harapin ang mga pinagdaraanan niya.

Magplano ka ng isang gabi para sa inyong dalawa lamang. Kahit hindi kayo mag-uusap, ipakita mo sa kanya na nandito ka para sa kanya.

Ang importante, kahit ikaw ay nag-aalala, huwag kang magambala. Malaki ang pag-asa na hindi ikaw ang rason kung bakit ganyan ang kilos ng iyong boyfriend. Maaring nai-istress lamang siya sa kanyang trabaho, sa kanyang bahay, o sa kanyang paaralan. Maari din namang mayroon siyang iniiwasan. Hindi man ikaw ang gusto niyang iwasan, baka malapit sa iyo ang gusto niyang iwasan. Maari ding napansin niya na sobra siyang lambing sayo.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *