Featured PostsLifestyle

Taong Grasa Naging Heartthrob Pagkatapos ng Make-over

Isang palaboy na lalaki ang nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng make-over pagkalipas ng 25 na taon. Halos mangiyak-ngiyak si Jose Antonio, isang palaboy sa Majorca, Spain nang siya ang bigyan ng isang libreng make-over sa isang lokal na hair salon, ang La Salvajeria.

Matapos ang make-over, halos hindi makilala ni Jose ang kanyang sarili at makikitang siya ay mangingiyak ngiyak sa kanyang transformation video. Ang nasabing video ay orihinal na inupload sa Facebook at ito ay nagviral agad kung saan humigit sa 400,000 ang nakapanood nito sa loob lamang ng 2 araw.

“Kamangha-mangha! Ako ba talaga ito?” sabi ni Jose nang makita niya ang kanyang sarili sa salamin matapos ang ginawa sa kanya ng mga salon staffs.

“Ibang iba na talaga ako, baka wala ng makakilala sa kanya kung hindi ko sasabihin kung sino ako.” dagdag pa niya.

 

Ayon sa Daily Mail Report, si Jose ay isang dating electrician at dumanas ng depresyon kaya naging palaboy na siya at ngayon nga ay 25 na taon na siyang walang tirahan.

 

 

Marami sa mga kakilala ni Jose ang nagulat at natuwa sa bago niyang hitsura. Sa isang interview naman sa isang Spanish TV, sinabi ni Salva Garcia na nakatanggap si Jose ng pinansiyal na tulong mula sa isang anonymous na kumpanya.

“Hindi lamang nito nabago ang aking hitsura, nabago din nito ang aking buhay.” sabi ni Jose na naghahanap na ng isang full-time na trabaho ayon sa The Mirror.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *