EntertainmentFeatured Posts

Korean Actresses na may Natural na Ganda- Hindi Retokada

Sa tuwing napapatitig tayo sa mga artistang Korean ay naiisip agad natin ang plastic surgery or retoke. Ito marahil ay dahil sa kilala ang Korea sa mga ‘ugly to beauty’ na pagretoke. Dumadami na rin ang bilang nga mga kalalakihan at kababaihan ngayon na gustong baguhin ang kanilang itsura at dumadayo sa Korea para dito.

Taliwas sa paniniwalang ito, hindi lahat ng Korean ay dumaan sa retoke. Ito ay dahil sa ang plastic surgery ay maaaring magdulot ng mga hindi kanais-nais na resulta. 70% ng mga Koreanong lalaki ay ayaw sa mga babaeng retokada. Bakit? Dahil ang mga Koreanong lalaki ay makaluma sa pagpili ng magiging asawa or ina ng kanilang mga anak. Mas gusto pa rin nila ang may natural na ganda.

Narito ang 5 na  mga Korean Actresses na may natural na ganda.

1. KIM TAE HEE
Nagsimula si Kim Tae Hee sa isang sikat na drama na “Stairway to Heaven” ngunit ang kanyang kagandahan at mappungay na mga mata ang minahal ng kanyang mga fans. Naging parte din siya sa mga sikat na drama tulad ng IRIS, Love Story in Harvard, My Princess at sa mga Japanese drama.

2. YOONA (GIRL’S GENERATION)

Mas nakilala bilang miyembro ng sikat na KPop group na Girl’s Generation. Si Yoona ay natural na maganda at naiboto din siya bilang “Most Beautiful Woman” noong 2013 ng Independent Critics at napili bilang “Most Beautiful Asian” ng China Magazine

3. PARK SHIN HYE
Si Park Shin Hye ay isa sa mga sikat na artista South Korea. Una siyang nakita sa Stairway in Heaven at unti-unti na rin siyang sumikat. Napabilang din siya sa Forbes List ng ’40 Most Powerful Celebrities in Korea’ noong 2015.

4. SONG HYE KYO
Si Song Hye Kyo ay isang South Skorean actress. Sumikat siya dahil sa kanyang mga pagganap sa mga drama gaya ng Autumn in My Heart (2000), All In (2003), Full house (2004), That Winter, the Wind Blows (2013) at ang Descendants of the Sun (2016). Napabilang din siya sa mga pelikula na Hwang Jin Yi (2007), The Grandmaster (20130) at The Queens (2015).

7. MOON GEUN YOUNG
Si Moon Geun Young ay tinawag na ‘nation’s Little Sister. Sa edad na 10, nagsimula na maging modelo si Moon at umarte na din siya mula 1999. Sumikat siya nung una siyang gumanap na batang Eun- suh sa sikat na tv drama series na Autumn in my Heart (2000) na sinundan ng horror film ni Kim Jee Woon na A Tale of Two Sisters (2003).

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *