Featured PostsNews

Mag-Asawang Singaporean na Nagmaltrato sa Pinay na Katulong, Pinatawan ng Mababang Parusa

Isang Singaporean couple ang nakulong at nagmulta noong Lunes matapos amining hindi pinapakain ang isang Filipina na kasambahay.

Si Lim Choon Hong, 47 anyos ay nahatulan ng tatlong linggong pagkakabilanggo at pinagmulta ng $10,000 (P359,000) samantalang ang asawa niyang si Chong Sui Foon, 47 anyos ay nakulong ng tatlong buwan.Pinapakiusap ng panig ng prosekyusyon ang isang taong pagkakakulong ng mag-asawa. Nakapagpiyansa ang dalawa ng $3,000 (P107,800) kada isang apila.

Si Lim ay nahatulan noong Marso ng nakaraang taon ng labagin niya ang Employment of Foreign Manpower (Work Passes) Regulations 2012 kung saan ay kailangang bayaran ng mga employer at magbigay ng sapat na pagkain at pangangailagang medical ng mga domestic helpers. Si Chong ay napatunayang nagkasala sa paghihikayat kay Lim na labagin ito.

Pinapakain lamang nila  ang OFW na si  Thelma Oyasan Gawidan ng dalawang beses sa loob ng isang araw  sa dating condominium nila sa Boulevard Residence sa Cuscaden Walk. Dahil dito ay biglang bumagsak ang timbang ng 40 anyos na Filipina mula 49 kilos hanggang 29 kilos sa loob ng 15 buwan.

Ang unang kain niya ay kadalasang ibinibigay tuwing 1am hanggang 2am- dalawa hanggang tatlong hiwa ng tinapay at isa hanggang dalawang pack ng instant noodles. Minsan, hinahaluan ni Chong ng gulay at karne ang instant noodles.

Ang pangalawang kain naman niya ang ibinibigay sa hapon- lima hanggang anim na hiwa ng tinapay.Si Lim ang bumibili ng  pagkain ni Gawidan. Iba ang kinakain ng pamilya nila Lim at Chong. Mas masarap, mas marami at mas masustansya ang pagkain nila kaysa sa rasyon na natatanggap ng kanilang kasambahay.

Kailangan pa magpaalam ni Gawidan tuwing iinom siya ng tubig at madalas ay tubig gripo lang ang ipinapainom sa kanya. Hindi na dinadatnan ng menstrual period si Gawidan mula pa nung February 2013 at nagsimula na rin malagas ang buhok niya ilang buwan matapos nun.

Hindi na rin pinapayagan ni Chong si Gawidan na gumamit ng kubeta sa loob ng bahay  kung kaya’t nakikigamit siya ng  common toilet ng condominium kapag kailangan niya magpunta ng kubeta. Hindi na rin nakakaligo ng maayos si Gawidan. Pinapayagan lamang siyang maligo ng isa hanggang dalawang beses sa isang linggo. At kung maliligo man siya ay nasa loob din si Chong nagaabang sa kanya maligo.

Sinabi ni Lim sa korte na nagkasakit ang asawa niya ng obsessive-complusive disorder at anorexia nervosa- isang matinding pagnanais na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng hindi pagkain. At dahil dito, umikot na lamang ang buhay nila sa pagkain at sa kalinisan.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *