CultureFeatured PostsLifestyle

Mga Kabilib-bilib at Astig Na Sining Mula sa Krayola!

Sinong mag-aakala na ang crayons pala ay hindi lamang ginagamit bilang pang-kulay lamang sa mga drawings or paintings pero maaari din pala itong gamitin upang makalikha ng isang kamangha-mangha obra. Isang kakaibang painting na ginamitan mismo ng crayons, hindi bilang pang-kulay lang kundi ito mismo ang materyal na ginamit upang makabuo ng desinyo. Kakabilib hindi ba?

Sa Granville, Ohio matatagpuan ang isang magaling na artist na si Christian Faur na kilala dahil sa kakaiba niyang istilo sa paggawa ng painting, ang paggamit ng daan-daan o libu-libong mga crayons para makagawa ng isang pixelated images.

“Sa aking pagkaalala ang wax crayons ang una kong ginamit upang makalikha ng isang art. Naaalala ko pa ang kakaibang saya ng pagbubukas ng isang kahon ng bagong crayons, ang kakaibang amoy ng wax, ang kanilang magagandang kulay, ang lahat ay perpekto at bago. Ang paggamit ng unang crayons mula sa bagong box ay nagbibigay sa akin ng kakaibang kalungkutan.” sabi ni Christian.

Dahil gusto ni Chrisitan ng bagong art, iba-ibang eksperimento ang kanyang ginawa gamit ang wax crayons, pero hindi siya naging kuntento at masaya sa resulta. Pero noong 2015, nagbukas ang kanyang anak na babae ng bagong box ng crayons na dapat ay ireregalo niya sa Pasko at doon na nagsimula ang lahat.

Ginagamit niya ang technique na ito upang makalikha ng kahanga-hangang imahe gaya ng mga portrait, mga hayop o isang makakatotohanang larawan. Ang mga natapos niyang obra ay maayos na nakalagay sa isang kahoy na frame. Nakagawa na din si Christian ng isang “crayon alphabet” kung saan ang iba’t-ibang kulay ay kumakatawan sa isang letra. Ginagawa niya ito upang maitago ang mensahe sa kanyang mga paintings. Bawat isa sa kanyang Forgotten Children series ay mayroong pangalan ng mga bata na nasa magagandang kulay.

Maaaring may mga nagtatanong, “Binibili niya ang napakaraming crayons na ito?” Ang sagot ay hindi, hindi niya binibili ang mga crayons kundi siya mismo ang gumagawa ng sarili niyang mga crayons.

Gayunpaman, hindi niya ito matatawag na pagiging artistic, dahil sa paggawa ng art na ito kailangan niyang mag-print out ng isang imahe mula sa computer bago tuluyang suriin ang bawat kulay at i-break down ang imahe sa isang colored blocks. Ginagawa niya ito upang malaman niya anong kulay ang dapat na ilagay sa bawat posisyon. Art ba ito? O isang kakaibang technique na nangangailangan ng mahabang pasensya at dedikasyon?

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *