Featured PostsLifestyle

Pit Bull, Naging Insta Nanay sa Dalawampung Kuting

Kilalanin si Hema, isang rescue pit bull na naging isang maalagang mommy sa dalawampung kuting.Sabi ng may-ari sa kanya na si Marissa Clingen, “Alagang-alaga niya ang mga kuting. Sino ang mag-aakala na ang isang pit bull na mayroong mga galos sa mukha ay magiging isang mabait na mommy sa mga kuting?

“Nahanap si Hema sa kalye, at nung inampon naming siya, marami siyang kagat sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan,” sabi ng spokeperson ng Humane Rescue Alliance na si Alix Tolley. Pero kahit maraming pinagdaanan  si Hema sa kanyang nakaraan, isa parin siyang napakabait at mapagmahal  na alaga.

Ang  may-ari na si Clingen ay nagvolunteer sa isang bahay-ampunan para sa mga kuting at naisama niya si Hema. Hanggang ngayon, gulat parin siya dahil para talagang totoong nanay si Hema ng mga kuting.

“Minsan, naiiyak ako,” sabi ni Tolley, “dahil kahit nasaktan si Hema bago ko siya nakita, mapagmahal parin siya – hindi lang sa akin, kung hindi pati narin sa mga kuting sa bahay ampunan.”

Sa tatlong taon, mas marami na sa 20 kuting ang naalagaan ni Hema – at hanggang ngayon, isa parin siyang kitten-obssessed pit bull at mommy para sa mga kuting na nasa ampunan.

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *