Featured PostsNews

Ina na Nanganak sa Loob ng 30 Seconds Iniwan ang Sanggol sa Garahe




Ayon sa South China Morning Post, kamakailan lamang ay may isang buntis na pumasok sa isang garahe sa Eastern China at nanganak sa loob lamang ng 30 segundo. Matapos mailuwal ang sanggol ay iniwan niya ito at nagliwaliw sa loob. Nakita ni Xiao Song, isang employado ng garahe ng mga alas-8 ng umaga ng Sabado (March 11) ang sanggol at sinabing nakita niya na itim na ang labi ng bata at hindi na umiiyak. Napuno din umano ng dugo ang sahig kaya nasabi niyang kapapanganak lng ng sanggol. Agad naman nilang binalot ng kumot ang sanggol at tumawag ng ambulansya.

Agad nilang tinignan ang kuha ng security camera at nakita nilang yumuko ang babaeng buntis sa garahe at tinanggal ang kanyang pantalon. Matapos ang 30 segundo ay agad nang tumayo ang babae, isinuot ang pantalon at umalis na parang walang nangyari. Naiwan ng babae ang kanyang bag na may laman na ID at wallet. Naisugod naman sa hospital ang sanggol at nasa mabuting kalagayan naman.
Ayon naman sa Hangzhou Police, binalikan naman daw ng ina ang sanggol. Matapos daw niyang mailuwal ang anak ay iniwan niya muna ito dahil hindi niya alam ang gagawin dito. Nung binalikan na niya ang sanggol ay nagulat na lamang siya na wala na ito doon sa garahe.

Hindi na kinasuhan ng mga pulis ang babae ng “Child Abandonment” dahil binalikan din naman daw ng babae ang kanyang anak at inuwi na rin ito.

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *