Featured PostsLifestyle

Nakakapangit Ang Laging Galit, Bes! 5 Tips Para Makontrol Ang Ating Galit

Nagsasalubong na naman ang iyong mga kilay. Matalim tumingin ang iyong mga mata. Nakasimangot ka na naman. Galit ka na naman ba Bes?

Hindi sa lahat ng araw o oras ay masaya at magaan ang ating pakiramdam. Na-traffic ka na naman at nahuli sa iyong klase o trabaho. Napagalitan ka ng iyong boss dahil sa hindi nya nagustuhan ang iyong trabaho. Gutom ka na pero ang haba ng pila sa iyong napiling kainan. Ilan lamang ito sa mga pangyayari na sumusubok sa ating pasensya, pero ang tanong papadala ka ba sa iyong nararamdamang inis o galit?

Ano nga ba ang pwede mong gawin para makontrol mo ang iyong galit? Narito ang ilang tips:

1. Huminga ng malalim para makalma ang sarili
Inhale. Exhale. Gawin mo ito ng paulit ulit, maaari kang magbilang hanggang sampu para subukang kalmahin ang sarili. Maari mo rin itong gawin ng nakapikit habang nag-iisip ka ng magagandang bagay na nangyari sa iyo. Paulit ulit mo ring sabihin sa iyong sarili, “Relax ka lang, kaya mo ito.”

2. Mag-exercise
Ang mga simpleng exercise gaya ng paglalakad o pagtakbo ay nakakatulong upang maibsan ang iyong inis o galit. Maari ring subukan na mag-akyat baba ng hagdan para mailabas ang iyong matinding emosyon. Kung may libreng oras at budget ka, maari ring subukang mag-yoga o zumba para mas marelax ang iyong pakiramdam.

3. Ibaling sa ibang gawain ang iyong atensyon
Sa halip na magmukmok at magpadala ka sa iyong galit, subukan mong magbasa o manood ng TV para mawala sa isip mo ang tao/pangyayari na iyong kinaiinisan. Kung nasa bahay ka lang, maaari kang gumawa ng mga gawaing bahay gaya ng paglilinis ng kwarto, pag-aayos ng mga damit o pagluluto para maging okupado ang iyong isip at katawan.

4. Makinig ng music
Maaring makatulong para ikaw ay marelax ang pakikinig sa mga kantang malumanay o mga klasikong kanta o di kaya ay iyong mga paborito mong kanta. Pakinggan ang mga ito hanggang sa mas magaan na ang iyong pakiramdam at makakapag-isip ka na ng maayos.

 

5. Magdasal
Walang duda na ang dasal ang pinakamabisang sandata sa anumang sitwasyon na kinakaharap natin. Magdasal o di kaya ay magbasa ng bibliya para humingi ng gabay sa Diyos na mabigyan ka ng maliwanag na kaisipan at magaan na kalooban.

Bilang tao, normal lang ang makaramdam ng iba’t ibang emosyon kasama na ang pagkainis o pagkagalit. Huwag lamang nating hayaan na tayo ang kontrolin ng ating emosyon dahil baka mas pagsisihan natin ang ating nasabi o nagawa dahil ng ating galit.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *