Featured PostsNews

Pulis na Fil-Am Pinarangalan sa Paglutas ng Kasong Murder Habang Nagbabakasyon sa Pinas

Dahil sa kanilang katapangan, dedikasyon at malasakit sa mga mamamayan ng New York, 27 sa mga magagaling na pulis kasali na ang isang Filipino- American ang naparangalan ng Centurion Awards noong nakaraang linggo.

Nabigyan ng parangal si Police Officer Gavin Hormillosa, isang Filipino American na nanunungkulan na sa NYPD ng lampas 16 na taon. Nalutas niya ang isang kaso ng murder habang siya ay nagbabakasyon sa Pilipinas.

Sa isang ekslusibong interview ng INQUIRER.net, ikinuwento ni Hormillosa ang nakakapangilabot na tagpo nila ni Miguel Abarentos, isang Pilipinong caregiver na umuwi ng Pilipinas matapos mapagbintangan sa pagpatay ng 87 taong gulang niyang amo.

“Noong December 2012, isang pagpaslang ang naganap sa 17th precint kung saan ang pangunahing suspect, ang empleyado ng biktima, ay lumipad pauwi ng Pilipinas. Iminungkahi ng mga supervisors ko na isali na ako sa imbestigasyon dahil madalas naman daw ako umuuwi ng Pilipinas para bisitahin ang mga magulang ko.” kwento ni Hormillosa.

Ang gusto sana ng NYPD special operations lieutenant ay magsilbing translator at makipagugnayan ang Fil-Am na pulis sa Philippine Police. Ang orihinal na plano ay uuwi siya ng Pilipinas, hanapin ang suspect at kasama ng mga Philippine police ay hulihin ang suspect and dalhin pabalik ng United States.

Noong January 2013,   nakipag-ugnayan  si Hormillosa  sa NYPD at  Manhattan District Attorney’s office para makakuha ng federal at international na arrest warrants para kay Abarentos.

Nakipag-ugnayan din si Hormillas sa Philippine National Police na bantayan ang mga galaw ng suspect sakaling umalis siya ng Pilipinas para magtrabaho.

Nung tinamaan ang Pilipinas ng bagyong Haiyan (Yolanda) noong November 2013, inakala nila na namatay na ang suspect. Ngunit ito at hindi naman agad pinaniwalaan ni Hormilllas dahil sa kanyang huling balita ay sa Paniqui, Tarlac nakatira si Abarentos na hindi naman masyadong napinsala ng bagyo.

Pagbalik niya ng Pilipinas ng 2014, agad niyang tinignan ang listahan ng mga namatay at nawala dahil sa bagyong Haiyan at hindi naman niya nakita ang pangalan ni Abarentos.

Noong January 2016, sinubukan ni Hormillas na hanapin si Abarentos sa Facebook. Laking gulat niya na ang 29 anyos na suspect ay aktibo sa social media. Nasubaybayan ni Hormillas ang suspect dahil sa public posts and larawan ng mga kaibigan at kapamilya ng suspect. Natunton ang suspect sa Makati na nagtatrabaho sa isang construction company. Matapos niyang binalitaan ang lead detective ay muli namang umusad ang kaso.

Muling bumalik ng Pilipinas si Hormillas noong April 2016 at tumuloy sa isang hotel sa Makati na kaharap lang ng construction site na nooy pinagtatrabahuhan ni Abarentos.

“Habang inaantay ko ang mga kapamilya ko na dumating ay nagtanong ako sa Security guard tungkol sa bagong Rockwell Center nang bigla kong napansin ang suspect”, sabi ni Hormillas. Dahil hindi niya sakop ang Pilipinas, wala siyang nagawa.

Noong June 21, 2016, apat na tapos matapos ang pagpatay, hinuli ng National Bureau of Investigation ng Pilipinas si Abarentos sa construction site. Pinabalik sa New York si Abarentos noong November 18, 2016 para sa dinggin ang kaso niyang second-degree murder.

Ayon sa balita, pinatay si Thawerdas Sadhwani sa bahay niya sa Murray Hill kung saan nagtrabaho si Abarentos. Ayon sa Daily News, brutal na pinalo, maraming laslas sa mukha at basag ang pustiso dahil sa paghampas ng lampara sa mukha ng biktima. Nakita din sa mga footage ang pagpasok at paglabas ng suspect sa building nung araw na mangyari ang brutal na pagpatay , kinuha din daw umano ni Abarentos ang pera at credit cards ng biktima at nagtungo sa isang Internet Café sa Queens and nagsumbong sa isang kaibigan sa Facebook chat.

“Ang pinaka hindi ko malilimutan na tagpo ay pangyayari sa Pilipinas. Nung nakita ko si Abarentos ng personal at wala man lang akong magawa kahit sobrang lapit ko na sa kanya. At nung nakita ko yung mukha niya nung pumasok siya sa presinto na nakaposas galing sa JFK Airport. Hindi man lang niya alam na ang tagal na naming nagmamasid sa kanya habang sinusubukan niyang magbagong buhay. Akala niya siguro ay kaya niyang takasan lang iyon, sinabi ni Hormillas sa INQUIRER.net.

Nang tanungin siya kung ano ang pinakamalaking kuro kuro tungkol sa NYC cops, “Yung akala nila pare-parehas kaming lahat-laging gusting may inaaresto or nagaabang na may matiketan. Madalas, mas gusto naming magisa. Mas masaya kami pag walang nangyayari”, sagot ni Hormillas.

“Isa pa, na matibay kami, na makina kami ,wala kaming pakiramdam o awa. Tao rin naman kami. Ang daming nakakalimot niyan. Hinuhusgahan kami bilang indibidwal pag may nagawa kaming maganda, pero pag isa sa amin may nagawang mali, hinuhusgahan kami na pare-parehas lang kami.”

Payo ni Hormillas para sa mga gustong magpulis ay gawin ang maayos ang trabaho pero magbigay ng oras para makapagpahinga. “Tutal trabaho lang naman ito. Hindi ka maaalala ng publiko dahil sa mga milyong mabubuting bagay na nagagawa mo araw- araw kundi sa isang maling bagay na nagawa mo”, sinabi niya sa INQUIRER.net.

“Isang magandang bagay din sa pagiging pulis, maliban sa early retirement, ay ang makaapekto ka ng tao sa positibo at mabuting paraan. Mula car accidents hanggang sa mga krimen, lahat ay pagkakataon para makaapekto sa buhay ng tao.”, ayon kay Hormillas.

“Pero wala pa rin mas nakakatuwa kaysa sa paghuli ng criminal matapos magawa ang krimen. Ang mga bagay na tulad nito ay walang katumbas na halaga,” sabi ni Hormillas.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *