Featured PostsNews

EU Pinabulaanan ang Pahayag ni Duterte, Ipinatawag ang Kinatawan ng Pilipinas Upang Magpaliwanag

MANILA, Philippines- Ipinatawag noong Lunes ng European Union ang kinatawan ng Piliipinas para ipaliwanag ang mga maaanghang na talumpati ng Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagbanta na bibitayin ang mga EU officials sa hindi pagsang-ayon sa kanyang pagpataw ng death penalty.

Ayon sa EU External Action Service, pinapunta sa Brussels headquarters si Alan Deniega (Filipino envoy) para magpaliwanag patungkol sa hindi katanggap tanggap na pahayag ni Pangulong Duterte.

Lalo diumanong tumindi ng pagkayamot ng EU sa pangulo, ayon sa PhilStar. Itinanggi ng EU ang alegasyon na iminungkahi nila na magkaroon ng treatment clinics kung saan ang mga iligal na droga gaya ng methamphetamine o cocaine ay ipapamigay upang malutas ang problema ng droga sa Pilipinas.

Naglabas ng pahayag ang delegasyon ng EU sa Pilipinas na hindi sila nagmungkahi, at hindi napagusapan na gumamit ng drugs sa pagtanggal ng adiksyon sa metamphetamine o kahit anong droga sa Pilipinas.

Tinawag ni Duterte na “a government-sponsored idiotic exercise” ang panukala ng EU.

“Itong mga p********, they want us to build clinics, then we should, instead of arresting or putting them in prison like in other countries, you go there and if you want shabu they will inject you or give you shabu (sa halip na hulihin o ilagay sila sa bilangguan, gusto nila na gumawa tayo ng mga clinic, na pag gusto mo ng shabu, bigyan ka ng shabu),” sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa harap ng mga Filipino- Chinese businessmen. “Then if you want cocaine, they will give you cocaine and if they want heroin, they will give you heroin (Tapos pag gusto mo ng cocaine, bigyan ka nila ng cocaine. Pag gusto mo heroin, bigyan ka din nila ng heroin).”

Ayon sa EU, kaisa ang World Health Organization at mga eksperto at sa tulong ng Manila’s Department of Health, sa pagpapatupad ng programa na ang pakay ay makatulong sa pagtanggal ng adiksyon habang ipinapanatiling buo ang pamilya.

Ang voluntary program ay ninanais na mapaunlad ang mga “recovery clinics at recory homes”, kung saan ay makakatanggap ng mas mabuting pagaaruga, edukasyon at pagpapayo na walang inireresetang gamot at tiwala. Tuturuan din sila ng Livelihood skills ayon sa EU.

Libu- libo na ang namatay sa ilalim ng administrasyong Duterte mula nung June at naaalarma na ang EU, Western governments at U.N. rights officials.

Sinabi na rin ni Pangulong Duterte na hindi siya natatakot sa mga banta ng mga kritiko na tanggalin siya sa pwesto o pagsampa ng kaso laban sa kanya sa International Criminal Court para sa mga pagpatay na karamihan ay mga mahihirap na drug dealers at users. Itinanggi din ng Pangulo ang pagkundina sa extrajudicial killings pero paulit ulit niyang pinagbabantaan ang mga drug suspects na papatayin at handa siyang mabulok sa bilangguan maprotektahan lamang ang mga Pilipino sa mga brutal at hindi makataong krimen kaugnay sa drugs.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *