Featured PostsTechnology

Bes, Anong Facebook User Ka?

Nakakatuwa lang na halos abot-kamay na natin ang bawat isa dahil sa mga social media ngayon gaya ng Facebook. Hindi man natin sila nakikita ng personal araw-araw, naaapektuhan pa rin tayo sa bawat posts na nakikita natin, lalo na kung ito ay ating kapamilya o kaibigan. Nakakaaliw lang na kahit sa social media mapapansin natin ang kaibahan ng bawat tao, base sa mga posts o pictures nila.

Kaya ikaw bes, anong facebook user ka? Tingnan natin.

1. The Drama King/Queen
Sila yung mga taong maraming hugot sa buhay, akala mo pasan nila ang mundo. Nagpopost sila para gumaan ang pakiramdam nila o di kaya naman ay naghahanap sila ng kausap o karamay. Walang pinipiling oras ang mga drama king/queen, kahit umaga pa lang magpopost sila ng isang nakakalungkot na bagay, kaya naman scroll down ka na lang kung ayaw mong malungkot ang simula ng araw mo.

2. The Silent Reader
Sila yung mga taong hindi masyado mahilig mag-post pero gumagamit ng Facebook para lang tingnan ang status ng iba. Mahilig lang din silang magbasa ng mga news, articles at tumambay sa mga Facebook pages o groups para lang magbasa. Halos hindi mo masyado mararamdaman ang mga ganitong users dahil hindi rin sila pala-comment o like sa mga pictures o status.

3. The “Mema” user
Sila yung mga taong “Mema” o may maipost lang. Paborito nilang sagutin ang tanong ni Facebook na “What’s on your mind?” kaya kahit simpleng “Hi, kakain pa lang ako ng breakfast.” ay ipinopost. Halos gawin nilang diary ang facebook sa dami ng status update.

4. The “LTS” user (Like, Share and Tag)
Sila yung mga taong mahilig sumali sa mga giveaway at pa-contest. Akala mo may importanteng sinabi sayo si friend kasi nagnotify, “Bes mentioned you in comment.” giveaway/contest lang pala. Di mo tuloy alam kung gusto ba nila na sumali ka din sa giveaway/contest na yun o na-tag ka lang para magkaroon sila ng entry.

 

5. The Celebrity
Sila yung mga taong gusto yatang maging celebrity, mahilig magpalike ng picture or status. Minsan ichachat ka pa para lang sabihin “Paki-like ng picture ko please.” o di kaya ay “Pusuan mo bes.” Masaya sila kung magtrending ang posts at pictures nila. Idol nila si Jollibee, kasi gusto nila lagi silang bida.

6. The Negatron
Sila yung mga taong laging negative ang comment sa bawat post mo o post ng iba. Hindi mo tuloy alam kung may sariling pinagdadaanan itong si friend o talagang marami lang naipon na negative vibes sa katawan.

7. The Food Lover
Dalawang klase ang user na ito. Isa yung mahilig magluto, at ang isa ay yung mahilig lang kumain. Pareho lang silang mahilig magpost ng pagkain, pero ang mahilig magluto minsan nakakaaliw ang mga posts dahil sa mga nakalagay na procedures kung paano niya niluto o hinanda yung pagkain. Pero yung mahilig kumain, nagpopost ng pagkain para lang takamin ka.

8. The Narcissist
Sila yung mga taong GGSS o “Gandang ganda sa sarili” o “Gwapong gwapo sa sarili”. Pwede din silang tawaging “Selfie King or Queen” sa dami ng selfie pictures na pinopost nila. Masaya sila kapag may nagla-like ng pictures nila na para bang sa bawat like nadadagdagan ang kagandahan/kagwapuhan nila.

9. The Gamer
Sila yung mga taong mahilig sa games, laging nagpapadala ng game invitation sayo. Excited ka tingnan notification mo, akala mo importanteng notification, ayon pala game invitation lang. Minsan iniisip mo na lang din i-block o i-unfriend yung mga ganitong tao sa dami ng pinapadalang game invitations.

10. The Miss/Mister Congeniality
Sila yung mga taong mahilig mag-accept ng mga friend requests kahit hindi nila personal na kilala. “The more, the merrier.” ata ang motto nila. Kahit mga taga-ibang bansa ay Facebook friends nila. O di ba ang famous ni Bes?

2017 na, at karamihan sa atin ay gumagamit ng Facebook. Iba-iba man ang ating rason para gumamit nito, mas maigi pa din ang mag-ingat tayo sa paggamit nito at kung maaari ay iwasan ang pag-post ng mga personal na bagay tungkol sa atin para na din sa ating kapakanan. Iwasan din sana natin na maging palaaway o maging mapanghusga dahil lamang sa simpleng pictures o posts na ating nakita. Lagi din nating tandaan na mas maganda pa din ang personal na interaksyon natin sa ating kapwa at huwag lamang nating ubusin ang ating oras sa social media.

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *