Featured PostsTechnology

Anim na Mukhang Yayamaning Cellphones Na Presyong Budget Meal (Php 7K Below)

Kilala ka namin. Isa kang wais na buyer na hindi nadadala ng sikat na pangalan lamang sa pagpili ng produkto. Gusto mo ay quality pero tama sa presyo. Sa ngayon, madaming bagong brands ang nakikipagsabayan na sa malalaking pangalan sa pagsisiksik ng makabuluhang features sa isang di-kamahalang phone. 

Hindi na kailangang matokhang ang wallet sa pagbili ng mga maporma at kabilib-bilib na mobile phones ngayon.

Ginalugad namin ang buong sansinukob para matagpuan ang pinaka-astig at feature-packed na cellphones para sa yo! Para hindi na ito maging mahirap , narito ang recommended na  cellphones na makapagpapabago ng buhay mo:

Less than Php 5K!

DOOGEE X5 MAX Pro  

Una sa lahat, Mayroon itong eleganteng design.

Mayroong 2GB RAM at 16GB Internal memory at Android Marshmallow 6.0 OS.

Dustproof at waterproof,  may G Proximity , Gesture at  Fingerprint authentication sensors, at syempre may standard features din para sa Wi-Fi, GPS, FM, Bluetooth at OTG.

 

Cherry Mobile Flare J7

Talagang ginalingan ng Cherry Mobile dito sa isang ito.

May malakas na  3G at 4G LTE connections, flat-edge ang packaging at may dual SIM slots. 6-inch screen, Android 6.0 at 16 gb capacity!

Malaki ang battery capacity at kaya makapaggames or binge-watching hanggang maumay ka!

Less than Php 6K

MEIZU M3s 

Modernong design sa metal frame, mukhang yayamanin sa presyong sulit.

Android Lollipop and Operating System,  IPS LCD ang screen at Octa-Core ang processor.

Infinix Hot S X521

Bukod sa classy exterior, punumpuno ng features ang bagong mobile device na ito.

May dual-led at front-led flash para sa night shooting , beauty filter, professional mode at square mode para sa maginhawang pagkuha at uploading , at Magic Movie na may kasamang templates para sa magandang video making.

Less than Php 7K

Asus ZenFone Max 

 

 

Pamporma at pangharabas na design, san ka pa?

Corning Gorilla Glass ang nasa harap kaya hindi madaling magasgas,  ultra thin form factor, leather ang takip sa likod  at ang viewing angle ay 178 degrees para sa picture- picture na malawakan.

Xiaomi Redmi Note 3

 

De-kalidad na handset na may classy na itsura. Punumpuno ng features maglulungad ang ingitera mong bes.


May finger scanner at metal casing, elegante ang dating, magaan at masarap hawakan.

Kung gustong malaman ang higit pa sa mga ito at kumuha ng pinakamurang halaga, pindutin lamang ang mga links sa baba:

Less than Php 5K

DOOGEE X5 MAX Pro  

Cherry Mobile Flare J7

Less than Php 6K

MEIZU M3s 

Infinix Hot S X521

Less than Php 7K

Asus ZenFone Max 

Xiaomi Redmi Note 3

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *