Featured PostsLifestyle

7 Gawain Na Maaaring Nakakasira Ng Iyong Relasyon

Pag ikaw ay single at nagiisa, ang tanging tao na kailangan mo isipin at alalahanin ay ang iyong sarili. Gagawin mo kung anong gusto mo at kung kalian mo ito gusto. Ngunit meron din mga gawain na nakasanayan na natin bilang single na minsan ay nadadala natin pag pumasok tayo sa isang relasyon. Ito ay hindi dahil sa sinsadya natin itong gawin pero madalas ay hindi natin namamalayan na ginagawa natin ito.

Ang relasyon ay nangangailangan ng tiyaga at kahit ang mga maliliit na bagay ay maaring makatulong sa pagbuo ng isang masaya and malusog na pagsasama. Meron ding mga gawain na natututunan natin dahil hindi natin alam kung ano ang tamang gagawin sa isang relasyon. At minsan, hinahayaan natin na ang ating damdamin ang magdidikta ng ating mga desisyon. Kung sabagay, pag pumasok ka sa isang relasyon ay nangako ka na hindi lang ang sarili mo ang iisipin mo kundi pati na rin ang iyong katuwang. Ilan sa mga nasa listahan na ito ang kailangan niyo na itigil?

1. Nagsusumbatan sa lahat ng bagay

Ang pag-ibig ay hindi dapat nasusukat sa kung sino ang nagbabayad pag kumakain sa restaurant o kung sino ang nagbibigay ng mas mahal na regalo. Kung patuloy mong ipinamumukha sa iyong karelasyon ang kanyang mga kakulangan at ihahambing mo sa mga kaya mong gawin ay maaaring umusbong ang galit at tampo.

Sa halip na bilangin mo kung sino ang mas may nagagawa sa relasyon, subukan mong tumbukin ang mga magagandang bagay na nagawa niya na walang hinihingi na kapalit. Mas maigi rin na magusap kayo at sabihin mo ang mga bumabagabag sayo.

2. Wala ang atensyon mo tuwing maguusap kayo

Malamang ay natural na lamang para sayo ang tumingin sa cellphone mo at bukasan ang social media feed mo habang nagkukwento ang iyong partner tungkol sa kanyang araw.

Maaring maramdaman niya na hindi ka interesado sa kanya. Ipinaparamdam mo lang na hindi mo siya pinapahalagahan. “Be aware of what you’re paying attention to,” sabi ni Christie Hartman, Ph.D., ang sumulat ng Find the Love of Your Life Online. “If they start complaining or showing annoyance, it’s a sign that you’ve gone too far”. Kinakailangan mong maging sensistibo sa iyong partner dahil baka nasa maling bagay mo binibigay ang iyong atensyon.

3. Panunumbat at Pagiging Bungangera

Sino ba naman ang hindi maghahangad na mas maging mahusay at mas paigihin ang sarili? Wala naman masama sa ganon ngunit tandaan mo na sa pag-ibig, hindi kinakailangan na perfect couple. Kung hindi man umayon ang mga bagay bagay, hayaan mo din na makapgdesisyon din ang iyong partner. Kung palagi mong isusumbat sa kanya lahat, maari itong pagsimulan ng away.

4. Kinukumpara mo siya sa iba

Kalimutan mo na si ex at iwasan na ikumpara ang iyong karelasyon ngayon sa iyong nakaraan. Ito lamang ay nagdudulot ng mga hindi na makatotohanang mithiin. Sa halip na magkumpara, mas mabuting bigyang pansin na lang ang mga magagandang katangian niya at tulungang maiayos ang mga hindi naman kanais-nais.

5. White lies ay pagsisinungaling pa rin

Ang pagiging tapat ay kailangan sa isang relasyon. Kung patuloy mong itatago at pagtatakpan ang lahat ng problema para hindi masaktan ang iyong partner ay maaring magdulot lamang ito ng mas malaking problema.

Sabi nga ni David Livingstone Smith, Ph.D., isang propesor ng pilosopiy sa University of New England and sumulat ng Why We Lie, “Ang pagsisinungaling para maprotektahan ang nararamdaman ng ating karelasyon ay isang kalokohan na pinapaniwalaan natin.Gusto natin magsinungaling para mahalin tayo-sinusubukan nating na maiwasan ang galit, pag-iwan at pagkadismaya ng ibang tao sa atin.

6. Binabalik ang mga mali ng nakaraan

Oo, totoo nga yung “tough love”, ngunit kung palagi mong binabalikan ang nakaraan na parang kahapon lang nangyari ay baka hindi ito magustuhan ng iyong karelasyon. Sabi ni Gary Chapman sa kanyang libro na “The 5 Love Languages: The Secrets to Love that Lasts”, ang pinakamainam na gawin ay hayaan na ang mga mali ng kahapon ay manatili na lamang sa nakaraan. Oo na, nangyari na lahat.

Malamang, masakit yon. At siguro, masakit pa rin hanggang ngayon, pero inamin naman niya na mas mali siya at humingi na din siya ng tawad .

7. Hindi mo pinapahalagahan ang mga maliliit na bagay

Alam mo ba na kahit ang simpleng ‘salamat’ ay okay na? Sabi nga diba, don’t take them for granted. Bigayan mo ng halaga kahit ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya para sa relasyon niyo.

Magpasalamat sa mga bagay na ginagawa niya para sayo. Tutal, hindi naman siguro mabigat ang magpakita ng pasasalamat sa isang tao diba?

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *