Featured PostsNews

Ang Kagilagilalas na Pagbabago Pagkatapos ng Pagligtas sa Pitbull na si Tom

Nakakadena  sa puno, pinabayaang mauhaw at magutom , hinayaang magkaroon ng heartworm at galis – akala ng isang aso ay mamamatay na lang siya sa sitwasyong ito. Mabuti na lang at may mga taong sumagip at  may  pamilyang nagbigay ng complete transformation sa kanya.

Madalas ay nagiging palaisipan sa marami kung bakit may mga taong umaako ng mga hayop para maging “ alaga “, pero  ang realidad ay hindi naman talaga nila inaalagaan kundi pinababayaan lang. Ang mas masaklap , kanilang inaabuso pa ang walang malay at walang laban na mga nilalang na ito .

Isa si Tom , aso sa Alabama, sa napakaraming  biktima ng animal cruelty. Sa loob ng apat na taon ,  siya ay nakatali  sa  isang puno at  hindi nakatanggap ng tamang pag-alaga mula sa kanyang amo. Kahit ang  sapat na pagkain at tubig ay ipinagkait sa kanya . Idadag pa ang ibang mga  naging problema tulad ng pagkakaroon ng bulate at galis .

Buti na lang at may isang animal rescue group na nakaalam sa kanyang sitwasyon kaya’t siya ay kinuha at dinala sa Minnesota para paalagaan sa iba. Sa ginawang pagsusuri ng isang Vet, nakita rin  na si Tom ay kulang sa timbang dahil wala pang 40 pounds ang kanyang bigat at may isang ngipin na fractured pa.

Naakit nang husto ang bagong umampon sa kanya dahil ang asong ito daw ang tanging hindi tumatahol, umuungol at tumatalon –talon doon sa animal home. Isang indikasyon na talagang mabait at matiisin si Tom.

Nang siya ay iuwi sa kanyang bagong tahanan ay nangamba ang kanyang  bagong amo dahil sa sobrang hina ay parang hindi niya kakayanin ang pag-akyat sa hagdan.

 

Sa tamang paggagamot at pag-aalagang  kanyang natanggap, nakumpleto na rin ang transformation  ni  Tom. Siya ngayon ay may bigat na halos 70 pounds, maganda na ang balahibo  at isang asong sobrang saya dahil matagal man niya bago natagpuan ito, ngayon ay may pamilyang magmamahal na nang forever sa kanya.

Isa sa mga magandang nauso sa ating modernong panahon ay ang pagiging aware at conscious ng tao sa animal rights. Kung noon ay talagang mababa ang tingin ng mga tao sa hayop, ngayon ay naipaglalaban na ang kanilang mga karapatan dahil sa mga batas at mga organisasyon, kaya natatanggap na nila ang tamang pag-aaruga at atensyon.

 

Facebook Comments

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *